Can someone give me an epic of hud-hud by the ifugao in tagalog version?

Question:

Answers:
got it! here: HUD-HUD
Sa bayan ng Ipugaw ay may isang magaling na mandirigma na ang ngalan ay Aliguyon. Ang kanyang amang si Antalan ay sinanay siya sa pag-awit ng mga kwento ukol sa mga mandirigma sa kanilang pook at ng mga panalangin para sa mga Bathala para magkaroon ng tapang at katapatan. Ginawa ito ni Antalan para sa paghahanda sa pakikipaglaban sa kaaway ng kanyang amang si Pangaiwan.
Nang si Aliguyon ay nasa husto nang edad, tinipon niya ang ilang mandirigma at pinuntahan ang lugar ni Pangaiwan. Sa kasamaang palad, hindi si Pangaiwan ang humarap sa kanya kundi si Dinoyogan na anak nito.
Ang dalawang mandirigma ay kapwa magaling at humanga sila sa isa’t isa. Habang sila ay naglalaban, pinakiusapan ni Dangunay, ina ni Dinoyogan, si Aliguyon na hayaang mananghalian si Dinoyogan, pumayag naman si Aliguyon, pagkatapos mananghalian ay muling naglaban ang dalawang mandirigma. Lumipas ang isa’t kalahating taon ng paglalaban ay nagpaalam si Aliguyon na babalik muna sa kanyang bayan. Pumayag si Dinoyogan ngunit sinabing siya raw ay susunod. Muli ay naglaban sila sa bayan ni Aliguyon.
Si Daulayan, manliligaw ni Bugan na kapatid ni Dinoyogan, ay hinamon si Aliguyon ng laban sa pag-aakalang napatay nito ang babayawing si Dinoyogan. Ito ay natalo ni Aliguyon at nang ito’y papaslangin na ay nagmakaawa at bilang ganti ay binigay nito ang kanyang kwintas. Ikinahiya ito ni Dinoyogan.
Dahil dito ay nagkasundo ang dalawang pangkat. Paglaon ay hiningi ni Aliguyon ang kamay ni Bugan at sila ay ikinasal. Di rin naglaon ay hiningi naman ni Dinoyogan ang kamay ng bunsong kapatid ni Aliguyon na si Aginaya at sila ay ikinasal.
Dahil sa nangyaring ito ay napabantog ang dalawang tribo na naging mayaman at marangal.


hope it helps!

This article contents is post by this website user, EduQnA.com doesn't promise its accuracy.



More Questions & Answers...
  • Ibig sabihin ng mga salitang pagsaulan,namugad,pinanganganiban,hilahil,namamanglaw,pinsel,pinipintaksi?
  • Several math questions!?
  • So i have to write a paper about discipline..help?
  • Please help me what is the summary of the movie sinking of japan.??
  • Home schooled or public schooling which is best?
  • Where is the fraction key on a scientific calculator?
  • The hobbit? PLEASE HELP!!!!!!!!! easy points?
  • Which coordinate is x and which is y?
  • Copyright 2006-2007 EduQnA.com All Rights Reserved.